Monday, June 8, 2009

Pagkaing-kanto

Ano bang hiwaga meron ang Kwek-kwek aka Hepalog at bakit ang sarap-sarap nya kainin?

Imposible na hindi ka pa nakakain nyan o nakakakita man lang dahil kalat yan sa buong lansangan ng republika natin? Nakakatakam syang tikman, siguro dahil colorful yung coating nya na orange, kasi ini-imagine ko na paano kaya kung ang food coloring na ginamit sa kanya ay blue, o kaya green, weird kainin di ba! Naisip din kaya ng nakadiskubre nito kung may kinalaman ang dapat na kulay ng harina na ibabalot sa itlog para masabing markettable ang bagong nyang produkto? Wala naman akong kakaibang nakikita sa pagprepara nito kapag kumakain ako sa Edsa Central tuwing ala-sais ng gabi bago sumakay ng byaheng Binangonan.

Ano ba sangkap sa paggawa ng kwek-kwek?
  • Kawali, natural! (mas malalim mas maganda, pero d best kasirola)
  • Mantika (Minola para the origal is still the best)
  • Kalan
  • Syanse
  • Shellaine (jeje)
  • Itlog ng manok, Penoy, Pugo, o kaya ng Unggoy
  • Harina (Flour)
  • Suka (para sa sauce)
  • Napakadaming Sibuyas (para sa sauce)
  • Napakadaming Pepino or Cucumber (para sa sauce)
  • Siling labuyo (para sa sauce)
  • Asin/Salt/NaCl (para sa sauce)
  • Pawis galing sa noo ng nagluluto at naghihiwa ng Sibuyas, pepino at sili para sa sauce
Ayan ang mga kailangan para makapagluto ng Kwek-kwek, simple lang sya pero detalyado. Masarap, nakaka-adik at higit sa lahat? Lutong Pilipino, para sa Pilipino kaya may rekadong pepino...

Wala lang!